Linalayuan ba kita? O ikaw mismo yung lumalayo sa’kin? Hindi ba kita pinapansin? O ikaw yung hindi namamansin? Mahal mo ba talaga ako? O nagpapanggap ka lang? Hehe. Kunwari naman magdadrama na naman ako eh, no?
Sa ngayon ay ako na ang mismong lumalayo sakanya. Hmm. Hindi naman sa lumalayo na as in lumalayo ako pero hindi ko na kasi siya masyadong pinapansin. Pero, yun nga. Sa FB chat nalang ako nagrereply t’wing nagpPM siya. Pati nga sa mga text, hindi ko na siya rinereply’an kasi puro GM lang naman ‘yun. Basta, ewan. Pakiramdam ko eh hindi na ako importante sakanya kaya wala na ring silbi kung mage-effort pa ako. Tutal nabigay ko naman na lahat eh. Kaso siya yung hindi makuntento at wala na akong magagawa. Though, okay naman kami. Mahal ko siya at mahal din niya ako. Wehh. Whatever.
Ayun. Sana balang araw magkita na tayo. Dapat nga ngayong week na eh kaso mukhang hindi ako matutuloy d’yan. Ikaw naman kasi, atat ka ngang pumunta dito kaso wala ka namang ipong pera. So, okay. Nevermind. :))
Basta, masaya ako ngayon at okay na okay ako. I love you. Kahit hindi ko laging nasasabi ‘yan, at least alam ko sa sarili ko na ikaw pa’rin kahit ganito tayo. Sa totoo lang eh ikaw padin ang ginagawa kong inspirasyon. Wee. <3
dailydoseoframen:
http://noveeetch.tumblr.com/
naalala ko dati nung naghahanap pa sya ng tumblr bestfriend!
then sabi ko ako na lang.
then yun! bessy ko na sya! :p
bait bait nya! kahit malayo sya feeling ko close kami!
ayiiiieeeee! xDDD
Eh ba’t naalala mo pa? Lol. Hehe.~ Hi guys. Ganito nga pala magdescribe yung bestfriend ko sa’kin. Halatang BESTFRIEND ko, no? HAHAHAHAHA. Oy, yung pinapagawa ko >< K. Thanks. Yiie. Wehh. XD
(via dailydoseoframen-deactivated201)
Magandang may nagtatanggol sa’yo t’wing may kaaway ka. Pakiramdam mo, safe ka na at protektado. Kasi diba, may nagtatanggol na nga sa’yo eh, kaya wala ka nang dapat problemahin. Pero, hindi mo naman kasi talaga kailangan ng tagapagtanggol eh. Kasi ikaw mismo, kaya mo nang ipagtanggol ang sarili mo. May mga isip naman na tayo kung paano maghandle ng mga ganoong situations o kahit ano pa ‘yan, at sa tulong lang ng tiwala mo sa sarili mo, t’yak ay maaayos mo na ‘yang mag-isa. Hindi sa sinasabing kong matatanda na tayo at alam na natin ang ginagawa natin para maipagtanggol ang sarili natin. Siguro, pwede ring ganon nga. Pero kasi, hindi sa lahat ng pagkakataon, meron yung mga taong magbaback-up, reresbak o kaya e tutulong sa’tin. Hindi sa lahat ng pagkakataon. Kaya h’wag kang masyadong masanay.
Dapat rin, h’wag masyadong umasa sakanila. Matuto tayong maging palaban. Oo, palaban talaga. Kasi walang lugar ang mga duwag pag nagsimula na ang giyera. Kumbaga, kapag duwag ka, hindi pa ka sumusugod eh patay ka na. Eh papayag ka bang mamatay nalang nang hindi lumalaban? Lol. Alam ko, walang gusto ng may kaaway. Pero ang tanong, gusto ba nating naaapi tayo? Hindi naman, diba?
Kaya ayun. Kaya madalas, kahit ayaw naman talaga nating makipag-away eh napipilitan nalang tayo kasi ayaw natin magmukhang talunan/naaapi.
Masakit isipin na sa lahat ng mga lalakeng minahal ko, wala man lang ni isa sakanila ang nagawang ipaglaban ako o nagsabi man lang na,”Hindi kita bibitawan.” Hindi ko alam. Pero parang darating nalang yung araw na bigla nalang magbabago ang lahat. Biglang manlalamig nalang yung pakikitungo nila na parang wala man lang kayong pinagsamahan o kaya naman eh hindi ka na sinasabihan ng mga katagang gustung-gusto mong marinig galing sakanila.
Parang tanga lang akong naghihintay sa wala at umaasa sa imposible. Namanhid na yata ako kasi yung kirot nalang ang naiwan eh. Gustuhin ko mang umiyak ngayon ay wala namang aagos na luha sapagkat ang mga mata ko na mismo ang nagsawa. Kinawawa ko na kasi itong masyado eh. Haay.
At paggising ko na naman bukas, sa umaga.. Hindi ko na naman alam ang gagawin ko. Haharapin ko na naman ang panibagong araw na wala man lang akong kaide-ideya kung ano ang pwedeng mangyari. Masakit na eh. Na, yung akala mong rason kung bakit ka gumigising sa umaga eh mawawala nalang bigla.
Kaya, eto ako.. Nananalig nalang sa Diyos. Nagbabakasakaling bumalik ako sa dating AKO kung saan masaya at matatag pa ako. Kasi, mahina na ako sa lagay kong ‘to eh. Wala na akong lakas para ngumiti pa ng totoo. Sana. Sana lang talaga. Kung tutuusin eh alam na ni God ‘yan eh. Kaya dapat ko nalang ‘tong lampasan.
Pero grabe kasi, lahat nalang iniiwan ako. </3
May mga pagkakataon na gusto ko nalang makulong sa panaginip at hindi na gugustuhing magising muli. Kasi kapag tulog, wala kang malay.. Wala kang maririnig na kahit anumang ingay, lahat sa paligid mo, tahimik. Kapag nanaginip naman, pwedeng mangyari dun yung mga imposibleng bagay na kailanman eh hindi mangyayari sa totoong buhay. Napaka… Haaaaay! Basta, kung pwede lang sana.
Libre namang managinip ng kahit ano eh. Pero alam mo kung ano ang pangit doon? Yung kapag may malay ka na, wala na pala. Yung kahit isang kisap mo lang eh mare-realize mo na pawang mga imahinasyon mo lang pala ang mga nangyayari. Na hanggang doon nalang pala at wala nang mas hihigit pa. Na paggising mo, balik ka na naman sa totoong mundo kung saan nabubuhay ka at nakakagawa ng kagaguhan at kashit’an. At wala ka nalang magagawa kundi harapin nalang ito.
Iba kasi ang panaginip sa pangarap eh.
Darating ang araw na lahat ng nakasanayan mo, mawawala. Lahat ng kinagisnan mong gawin, mahihinto. At lahat ng inaakala mong permanente, maglalaho. Kasi sa bawat minutong lumilipas, pwedeng ang isang bagay ay magbago. Wala nga kasing permanente sa mundo, diba? Sa madaling sabi, wala yung pang habam-buhay talaga. Kaya matuto ka nalang harapin ang katotohanan. Katotohanan tungkol sa realidad, tungkol sa ating lipunan. Tutal, araw araw namin kasi eh may nagbabago talaga. Araw-araw, naga-adjust tayo sa iba’t ibang mga bagay na minsan eh hindi na natin namamalayan sapagkat makaka-adjust nalang kaagad tayo. Kaya no wonder na kapag may bago na naman, madali nalang sa ating makiride hanggang sa maging okay na naman tapos di magtatagal eh magbabago na naman ulit. Gets? Cycle ang drama eh. /Sensya, magulo.
Kaya:
- H’wag kang magugulat kung yung boyfriend mo, kaaway mo na bukas o sa makalawa.
- H’wag ka ring magugulat kung yung bestfriend mo ngayon, boyfriend mo na bukas.
- H’wag kang magugulat kapag yung kinamumuhian mong tao ngayon eh maging asawa mo balang araw.
- H’wag kang magugulat kung yung mortal na kaaway mo ngayon eh maging bestfriend mo.
- Tsaka h’wag ka na ring magugulat kung yung pinagkakatiwalaan mong tao eh malalaman mong trintraydaor ka na pala.
Sa pagbabagong sinasabi ko, walang imposible. Lahat, pwedeng mangyari. At kung anuman ang dahilan kung bakit may nagbabago, siguro.. aabutin ako ng siyam siyam sa pagpapaliwanag sa sobrang dami ng maaring rason at tungkol naman sa mga dahilan ng pagbabago natin, sa’tin nalang siguro ‘yon. Chos. Pero yung totoo, lahat naman tayo, naranasan nang magbago, diba? (Wehh. Aminin!)
May mga bagay na ayaw mong isipin pero hindi mo kayang kalimutan. Bagay na ayaw mong dugtungan pero takot kang wakasan. Yun bang ayaw mo nang masaktan pero gusto mo pa’ring magmahal.
Sa totoo lang? Madaling sabihin na ayaw mo na eh. Madaling sabihin na sumusuko ka na. Madaling magsinungaling. Madaling magpanggap. Pero sa bawat ginagawa mong ‘yan, marerealize mo nalang na yung sarili mo na pala ang sinasaktan mo.
Kaya bago ka sana magbitaw ng mga salitang pwedeng makatapos sa isang bagay, pag-isipan mong mabuti. Paulit-ulit dapat. Lagi kong sinasabi, madalas sa mga posts ko na hindi paliguy-ligoy ang paggawa ng mga desisyon. Hindi talaga paliguy-ligoy ‘yan kasi pwedeng mabago ang buhay mo o mawala ang isang taong importante sa buhay mo pag nagkataong nagkamali ka.
Alam niyo kasi, hindi nakakatakot sabihin yung tunay na nararamdaman. Ano bang mahirap kung sasabihin mong nagsasawa ka na? Jusko. Effort lang kailangan mo d’yan. Alam mo kung bakit? Kasi pipilitin mo lang naman ‘yang lampasan eh. Sumusuko ka na? Pwes, magpakatatag ka lang. Sagarin mo kung hanggang saan ang hanggangan mo. Kasi kung hindi ka aabot sa limitasyon mo, malaki ang posibilidad na magsisisi ka rin lang sa huli. H’wag ka nalang magsinungaling kung malaki naman talaga ang maitutulong kapag nagsabi ka ng totoo.
Mas mabuti nang masaktan pansamantala kaysa masaktan habam-buhay. Pero kung sasabihin mo naman na ginagawa mo ‘yan para sa iba, isipin mo din ang sarili mo. Kasi, baka hindi na patas. H’wag maging tanga. Kaya nga meron kang utak eh. Matututo kang gamitin ito ng tama.
tarasaparis:
- noveeetch
isa rin tong uhhhhhzum! halos puro text post laman ng blog niya, text post na hindi kayu maboboring basahin kahit mahaba. mabait to. madalas ko tong makita na naglalike ng post kong walang kwenta parang ako. chos!* karapatdapat siya i follow promise. :”>
Weee. Thank you. Salamat kasi napili mo akong i-describe. GV! ^^
(Source: princessofsarcasmm)
So, there’s no such thing as perfect human being.